3 Chinese na Sangkot sa P185-M Halaga ng Shabu, Kinasuhan na

TULUYAN NANG sinampahan ng kaso sa Department of Justice (DoJ) ang tatlong Chinese nationals na nahulihan ng P185 milyon halaga ng high grade Shabu.

Kabilang sa mga salarin ay sina Yang Mou Yu, Cai Chun Yuan at Jian Ye Xu.

Nabatid na dinakip ng mga tauhan ng Anti-Illegal Drugs Special Operations Task Force (PNP-AIDSOTF) sina Yang at Cai sa buy bust operation sa Binondo nitong Martes ng gabi, habang si Jian naman ay natiklo sa follow up operation sa safehouse nito sa Trece Martirez, Cavite.

Samantala, nahaharap sa kasong Illegal Drug Trafficking at Illegal Possession of Dangerous Drugs ang mga dayuhan base sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.