3 chief of police, sibak sa sugal

DAHIL SA kabiguang mapatigil ang illegal number games o kilala sa tawag na “swertres” sa kanilang nasasakupang lugar,  sinibak sa kanilang puwesto ang tatlong chief of police sa Negros Oriental.

Kinilala ni Interior and Local Government Secretary Jesse Robredo ang  mga sinibak na sina Chief Inspector Dominicias Distrito ng Tanjay City; Romulos Delfin ng bayan ng Dauin; at Inspector Deogracias Lorico ng bayan ng Valencia.

Ayon kay Robredo, ang pagkakasibak sa tatlo ay base na rin sa utos ni Sr. Supt. Edward Carranza, PNP Provincial Director ng Negros Oriental.

Matatandaang una nang pinaigting ng Philippine National Police (PNP) ang pagpapatupad ng One-Strike Policy kung saan ang chief of police na hindi kayang mapatigil o may operasyon ng iligal na sugal sa kanilang nasasakupan ay awtomatikong tanggal bilang hepe ng pulisya.

“Those other COPs who will defy our standing one-strike policy against illegal gambling shall suffer the same fate. I am giving stern warning to other COPs and PNP provincial directors that I won’t hesitate to order their relief if they would fail in our anti-gambling campaign,” ayon pa kay Robredo.

(EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.