3 ‘Cartimar Boys’, Tiklo sa Pasay

DAKIP ANG tatlong miyembro ng “Cartimar Boys” na naaktuhan ng mga pulis na nanghoholdap sa Pasay City.

Kinilala ang dalawa sa mga salarin na sina Raymart Bartilla at Joey Pangilinan na umaming gagamitin sana sa kanyang ika-21 kaarawan ang makukuhang pera.

Sinabi ni  Police Senior Supt. Rodolfo Llorca, Chief of Police ng Pasay Philippine National Police (PNP) na madalas mambiktima ang grupo ng mga namimili sa lugar ng Cartimar.

Umaasa naman ang mga kinauukulan na sa pagkakaaresto sa Cartimar boys ay mababawasan na ang insidente ng holdapan sa nasabing  lugar.

Samantala, nananawagan din si Supt. Llorca sa mga nabiktima ng mga salarin na magtungo sa presinto at magsampa ng kaso.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.