3 Carnapper, Timbog sa Bulacan

TATLO SA apat na mga karnaper ang nadakip ng mga awtoridad sa mga bayan ng pandi at Baliuag sa Bulacan, kamakalawa ng madaling-araw.

Sa ulat na tinanggap ni P/S Supt. Fernando H. Mendez, Jr., kinilala ang mga nadakip na sina Enrique Tintoy Y Diaz, 42, @Hogan, tubong-Bungabon, Nueva Ecija at Ryan Nero Y Santos, 32, kapwa residente ng Brgy. Tanawan at Poblacion sa bayan ng Bustos; at Jessie Revencio Y Villarao, 27, binata, at residente ng Brgy. Bambang, Bulacan.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, dakong ala-1 nang madakip ang dalawang suspek sa Plaridel St., Brgy. Subic sa bayan ng Baliuag; habang alas- 3:20 ng madaling-araw nang madakip ang suspek na si Revencio sa Brgy Bagbaguin sa bayan ng Pandi.

Kapwa nabawi ng mga awtoridad ang mga nakaw na motorsiklo mula sa mga suspek. Samantala detenido na ngayon ang tatlo sa magkakahiwalay na detention cell sa kasong Carnapping.

(TONY DELA PEÑA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.