3 Bus, Nagkarambola sa EDSA

TATLONG BUS ang nagkarambola sa southbound lane ng EDSA-Main Avenue.

Lumalabas sa pagsisiyasat ng mga rumespondeng kawani ng Metro Manila Development Authority (MMDA), mabilis ang takbo ng Super 5 Bus sa palusong na bahagi ng Main Avenue at nawalan ng preno.

Dahilan upang salpukin nito ang dalawang sinusundang bus ng Lucena Bus at Cher Bus.

Isinugod na sa Philippine Orthopedic Hospital ang drayber ng bumanggang bus na si Alex Aroco na iniinda ang sakit sa kanyang balakang.

Sa lakas ng naging salpukan, wasak ang harapan ng Super 5 bus at likuran naman ng napuruhang Cher bus.

Tumagas ang diesel mula sa mga nasabing bus na agad namang napigil ng MMDA ang pagkalat.

Umabot ang dulo ng trapik hanggang sa bahagi ng Kamuning.

Samantala, pasado alas-7:15 ng umaga kahapon nang matanggal sa lugar ang mga nagkarambolang bus.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.