3 Born Again, Naholdap ng Riding-In-Tandem

TATLONG BORN Again Christian ang hinoldap ng riding-in-tandem habang nag-aabang ng pampasa-

herong dyip matapos dumalo sa isang fellowship meeting sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang mga biktima na sina Mark Anthony Mendoza, 23, binata; Mary Ann Layco, 32; at ang asawa nitong si Larry, 30, pawang ng Diwa St. 8th Avenue, Grace Park ng lungsod, at kaanib ng samahang Lord Harvest Christian Church Fellowship.

Sa ulat, alas-8 ng gabi, nag-aabang ng masasakyan ang mga biktima matapos ang fellowship sa Grace Park ng lungsod nang parahan ng mga suspek na kapwa naka-helmet.

Isa ang lumapit sa mga biktima sabay tutok ng baril at pinagkukuha ang mga cellphone ng mga biktima.

Matapos ang insidente ay tumakas ang mga suspek sakay ng motorsiklong walang plaka habang nagsumbong naman sa mga pulis ang mga biktima subalit hindi na nakita ang mga una.

(MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.