3 Beses Bumagsak sa Nursing Board Exam; Kelot, Nagbigti

ANG KABIGUAN umanong makapasa sa Nursing Board Exam ang sanhi ng pagpapatiwakal ni Sotero Bautista, 25, may-asawa, karpintero, graduate ng kursong BS Nursing at residente ng Purok 7, San Fermin, Cauayan City.

Ang nasabing biktima ay natagpuang nakalambitin na wala nang buhay sa loob ng kanilang bahay.

Base sa pagsisiyasat ng PNP Cauayan City, nakipag-inuman ang biktima sa kanyang kamag-anak na si Daniel Fernandez at naikuwento ang hinanakit sa hindi pagkakapasa sa pagsusulit at hinanakit sa kanyang pamilya .

Sinasabing pinagsabihan ng mga magulang ang biktima na muling sumailalim sa pagsusulit subalit tumanggi na si Daniel dahil tatlong beses na siyang hindi pumasa.

Samantala, dahil dito pinagsabihan umano siya ng mga magulang na bahala siya sa buhay niya na hindi niya matanggap at naging dahilan para kitlin ang sariling buhay.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.