3 Bayan sa Apayao, Walang Makain

NANANATILING KAPOS ANG pagkain mula sa tatlong bayan sa lalawigan ng Apayao kasunod ng nangyaring malawakang pagbaha at landslide dala ng bagyong Juan.

Ito ang napag-alaman kay S/Supt. Nestor Bergonia, director ng Apayao-PNP na aniya’y pinangangambahang magutom ang mga residente sa tatlong bayan ng probinsiya.

Ani Bergonia, dalawang linggo nang isolated ang bayan ng Kabugao, Calanasan at Conner dahil sa landslide.

Nahihirapan aniyang makabiyahe ang mga mamamayan ng Brgy. Eva Puzon papunta sa Poblacion, Calanasan dahil hindi pa natatanggal ang gumuhong lupa sa lugar.

Nabatid na nananatili pa ring sarado ang kalsada sa Lutuacan, Kabugao pati ang Conner-Tuao Road dahil natabunan ito ng lupa dulot ng landslide.

Sa ngayon, nagkukumahog ang DPWH, PNP at militar sa pagtanggal sa mga nakaharang na lupa sa kabila ng tuluy-tuloy na pagbuhos ng ulan sa mga nabanggit na bayan.

Pinoy Parazzi News Service

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.