3 Bata, Na-Rescue; 10 Bayan, Apektado ng Baha sa Ilocos Sur

TINIYAK NGAYON ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) na tatlong mga bata ang kanilang na-rescue habang patuloy na binabaha ang ilang mga lugar sa Ilocos Sur.

Ayon kay John Lord Rusuman ng hepe ng PDRRMC sa Ilocos Sur, na ang nasabing mga bata ay nasagip ng mga awtoridad sa bayan ng San Ildefonso.

Kasabay nito’y patuloy pa ring nakararanas ngayon ang mga pagbaha ang bayan ng San Basilio, Santa Monica, San Ramon at San Lucas.

Bunsod nito, agad nagpatawang ng emergency meeting si Governor Ryan Singson para sa isasagawang paglilikas sa nga residente na apektado ng pagbaha. Matapos ito’y agad ding nagtungo sa bayan ng Magsingal kung saan apat na barangay ang lubog na sa baha para sa paglilikas.

Bunsod nito’y hindi na rin maaaring makadaan ang anumang uri ng sasakyan sa bahagi ng San Ildefonso dahil sa mataas na tubig baha.

Nangangamba na rin ang mga residente sa Nambaran, Sto. Domingo ang kanilang kalagayan dahil sa walang humpay na buhos ng ulan.

Inalarama na rin ng PDRRMC ang mga residente sa bayan ng Narcavan sa paglikas ng mga tao roon lalo sa mga nasa tabing dagat, ilog at bundok dahil sa peligrong dulot ng pagbaha matapos umapaw ang dalawang ilog.

Mino-monitor na rin ngayon ng mga kinauukulan ang sitwasyon sa lahat ng mga coastal town tulad ng Sta. Catalina, Caoayan, syudad ng Vigan, at iba pa.

Apektado na ng baha ang mga palayan at habang umapaw na rin ang mga  palaisdaan sa lugar.

(TONY DELA PEÑA)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.