3 Barko ng China, Nasa Bajo de Masinloc Pa Rin

TATLONG BARKO ng China ang nanatili pa rin sa Bajo de Masinloc malapit sa karagatan ng Zambales kahit uma-

tras na ang mga barko ng ating bansa, noong nakaraang 7 buwan pa.

Ayon kay Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario, patuloy si-lang nakikipag-ugnayan sa China upang i-atras na ang kanilang mga barko. Dapat umanong i-respeto nito ang ating exclusive economic zone (EEZ).

Dagdag ng kalihim sa kanyang lecture sa mga kadete ng Philippine Military Academy (PMA) sa Baguio City, ipagtanggol ang ating teritoryo o ang West Philippine Sea at ma-nindigan kung ano ang nararapat.

Matatandaang nagkaroon ng girian sa Bajo de Masinloc ang Pilipinas at ang China, nang angkinin ng China ang ilang bahagi ng ating teritoryo. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.