3 Barangay sa Sariaya, Quezon, Todo-Bantay sa Chikungunya;

TATLONG BARANGAY sa Sariaya, Quezon ang binabantayan ng Provincial Health Office (PHO) matapos makapagtala ng hinihinalang mga kaso ng Chikungunya.

Sinabi ni Dr. Agrispino Tulias, provincial health officer ng Quezon Province, nasa siyam na ang naiulat  na kaso ng Chikungunya sa loob lamang ng dalawang linggo sa Barangays Sampaloc, Lutukan Malabag at Poblacion.

Nagpadala na rin sila ng sample sa Research Institute for Tropical Medicine (RIDM) sa Alabang para masuri ito.

Samantala, halos kahalintulad din ng sintomas ng Dengue ang Chikungunya na sa kagat ng lamok nakukuha.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.