3 bangkay iniwan P12.3-M, pinsala ni Chedeng

AABOT SA P12,328,983 milyon ang pinsalang iniwan ng bagyong si Chedeng mula sa mga lalawigan ng Bicol at Visayas area.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), tatlong katao ang nasawi habang umaabot sa higit 313,000 iba pa ang apektado.

Inihayag ni NDRRMC director chief Benito Ramos, hindi gaanong lubos na naapektuhan ang Northern Luzon, Bicol region at Visayas area na sinasabing tatamaan ng nasabing bagyo.

Bagaman naitala na ang halaga ng danyos at bilang ng mga namatay, tiniyak ni Ramos na mananatili pa rin ang kanilang mga tauhan sa mga typhoon prone areas lalo na’t patuloy pa umanong mararanasan ang pag-ulan hanggang sa Miyerkules.

Nilinaw naman ng mga opisyal na ang pinsala at mga naranasang pagbaha sa ilang rehiyon ng Min-danao ay dahil sa southeast monsoon o hanging habagat, lalo na sa Zamboanga, Bukidnon, Davao del Norte at Maguindanao. (EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.