3 ASG members, patay sa enkwentro

TATLONG MIYEMBRO NA ng Abu Sayyaf Group ang nasawi sa pakikipagbakbakan sa tropa ng pamahalaan sa lalawigan ng Sulu, kahapon.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, dakong alas-6:30 ng umaga nang magsimula ang bakbakan sa Mt. Tukay sa Barangay Karawan sa bayan ng Indanan.

Nabatid na nakasagupa ng tropa ng pamahalaan ang mga bandido sa pangunguna nina Akmadul Jumdail, alyas Doc Abu at Jemaah Islamiyah terrorists na sina Marwan at Mauwiyah.

Katuwang ng ground troops ang tatlong OV10 Broncho ng Air Force sa operasyon.

Sa inisyal na ulat, tatlong bangkay na ng mga bandido ang narekober gayundin ang dalawang M16 rifle, isang M14 at isang kalibre 45. (EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.