3 ASG members, dedo sa rescue operation ng spa owner

PATAY ANG TATLONG miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) nang makipagbakbakan sa mga sundalong sumagip sa negosyanteng kidnap victim na si Luisa Galvez Morrison sa bayan ng Sumisip, Basilan.

Kinilala ang mga napaslang na sina Abu Said, Abdul Aziz at isang Mukim na naka-eng-

kwentro ng mga ele-mento ng 4th Scout Ranger Battalion sa Sitio Bohe Peyat sa Barangay Baiwas, kamakalawa ng tanghali.

Ayon kay AFP Western Mindanao Command Spokesman, Lt. Col. Randolph Cabangbang, sugatan sa bakbakan si Private 1st Class Arjae de Ramos gayundin si Morrison na nagtamo ng mga pasa at pito pang ASG members.

Gayunman, hindi pa mahanap ng mga sundalo ang mga labi ng mga terorista sa nabanggit na lugar.

Pinangungunahan aniya ang bandidong grupo nina Radzmer Temmeng Jannatul at isang Juhayver alyas Abu Kik.

Setyembre 4 nang dukutin ng Abu Sayyaf si Morrison na live-in partner ng isang British engineer sa kanilang beauty  salon sa Ipil, Zamboanga Sibugay.

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.