3 ASG Member, Tiklo sa Basilan

NALAMBAT NG TROPANG PAMAHALAAN ang tatlong miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa kabundukan ng Basilan kahapon ng umaga.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, alas-6:00 ng umaga nang madakip ng tropa sa pamumuno ni LtCol Armand Arevalo ng 4th Scout Ranger Battalion ang tatlo.

Nagsasagawa ng combat patrol ang militar nang matunton ang safehouse ng mga ito sa kagubatang sakop ng Brgy. Tongsena sa bayan ng Sumisip.

“The Scout Rangers were able to crawl the bandits’ position without being detected. They did not put up a fight upon seeing that they were completely surrounded by the soldiers,” ayon kay Major Harold M. Cabunoc, tagapagsalita ng Philippine Army.

Kinilala ang mga dinakip na sina  AbdulbakiIsmanul, 30 anyos; Al Mahdi Arshad, 22; at isang paslit na  combatant na si Abduhaya Pantasan, 12 anyos.

Narekober sa mga ito ang matataas na kalibre ng armas kabilang ang dalawang M16A1 Rifles at isang M14 Rifle.

Sa kasalukuyan, nakakulong ngayon sa  military camp sa Isabela City ang tatlo para sa debriefing bago i-turn-over sa mga pulisya. (EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.