3 Arestado sa Buy Bust

HERMOSA, BATAAN – HULI sa akto, ang tatlong kalalakihan makaraang magsagawa ng buy bust operation ang mga operatiba ng PDEA at PNP sa isang  motel sa nabanggit na bayan kagabi.

Sa ulat na tinanggap ni P/SSupt. Arnold Gunacao, Bataan PNP Provincial Director kinilala ang mga nadakip na sina Michael Calma 24, Ronnie Magcalas 28 anyos, kapwa residente ng Brgy. Kataasan Dinalupihan, at Aldrin Hizon 19 anyos, binata residente naman ng Brgy, Culis sa bayang ito.

Base sa inisyal na imbestigasyon  ng mga otoridad kasalukuyang  naka check-in ang mga suspek sa Benzie Lodge,ganap na alas-9:30 ng gabi ng mag-panggap na puseur buyer ang isa sa mga tauhan ng PDEA.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang hindi pa mabatid na gramo ng hinihinalang Shabu, at ilang mga gamit sa paghitit ng ipinagbabawal na droga.

Samantala detenido ngayon ang mga suspek sa Hermosa Municipal Jail habang iniha-handa ang kasong paglabag sa republic act 9165. (TONY DELA PEÑA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.