3-Anyos, Naputukan ng 10-Anyos na Pinsan

PATAY ANG isang tatlong taong gulang na bata matapos aksidenteng mabaril ng menor-de-edad na pinsan sa Lagonoy, Camarines Sur kamakailan.

Wasak ang mukha ng batang si Krista Jane nang mabaril ng kanyang 10-taong gulang na pinsan habang natutulog sa kanilang tirahan sa Barangay Loho.

Ayon sa mga awtoridad, isang improvised shotgun ang ginamit ng bata na pagmamay-ari umano ng ama ng biktima.

Giit naman ng ama ng biktima, hindi niya akalaing pakikialaman ng pamangkin ang improvised gun na itinago niya sa kanilang kusina para bumoto.

Pinagkamalan umano ng bata na laruan ang baril.

Sa ngayon, nahaharap sa kasong Reckless Imprudence Resulting in Homicide ang ama ng biktima habang dadalhin sa Department of Social Welfare and Development ang batang nakabaril.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.