3-Anyos, Nakalunok ng Piso

HIRAP NGAYONG kumain ang tatlong taong gulang na batang lalaki matapos makalunok ng one-peso coin na kanyang pinaglaruan sa Kalibo, Aklan.

Kinilala ang biktima na si CJ Vera, residente ng Brgy. Talon, Altavas ng nasabing lalawigan.

Napag-alaman na noong araw pa ng Biyernes nakalulon ng piso ang bata at hanggang ngayon ay hindi pa ito nakukuha mula sa kanyang lalamunan.

Hindi umano agad nadala sa pagamutan ang nasabing bata ng kanyang mga magulang dahil sa kahirapan.

Ngunit nang hindi na ito makakain at kahit makainom ng tubig ay tsaka pa lamang itinakbo sa pagamutan ang bata.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.