3-Anyos na Nene, Ginahasa ng Kumpare ng Ama

DESIDIDONG MAGSAMPA ng kaso ang ama ng tatlong taong gulang na batang babae na ginahasa ng kumpare nito sa isang barangay sa lalawigan ng Capiz.

Ayon sa salaysay ng ama ng kinilalang alyas “Jing-jing” na si Manong Boyet, pilit na kinuha ng kumpare nito na si alyas “Bulkit” ang kanyang anak na iniwan nito sa kanyang pinsan noong Disyembre 31, 2011.

Dahil parati naman nitong kinukuha ang bata, agad na ipinadala ng tagabantay ang kanyang pamangkin. Ngunit na-bigla na lamang ang ina na umiiyak na si Jing-jing nang kinuha nito sa bahay ni alyas “Bulkit” ang menor de edad.

Umiiyak na ipinahayag ng tatlong taong gulang na bata na hinalikan siya at ipinasok pa ng itinuturing nitong tiyuhin ang kamay nito sa kanyang ari.

Kasunod nito, isinailim sa medical examination ang tatlong taong gulang na bata at lumalabas na ito ay may laceration at namamaga ang maselang bahagi ng katawan nito.

Napag-alaman na butas na ang underwear ni Jing-jing nang ito ay dinala ng kanyang ina pauwi.

Sa ngayon, hindi pa alam ng suspek na sinampahan na siya ng reklamo ng mga magulang ng kanyang biktima.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.