3-Anyos na Ampon, Ni-Rape ni Lolo

DINAKIP ANG isang lolo sa Dagupan City, Pangasinan dahil sa panggagahasa nito sa anak.

Nakilala ang salarin na si Teofilo Llamas, residente ng Brgy. Malued, 68, habang ang biktima ay ang tatlong taong gulang na umano’y ampon lamang nito.

Ayon kay PO2 Adel Caacbay ng Women and Children Protection Unit ng Dagupan City PNP, sinabi umano ng bata na may ginawang masama sa kanya ang lolo nito.

Batay sa resulta ng medical examination ng bata, nakita ang laceration sa ari nito na palatandaan na ito ay pinagsamantalahan.

Kararating lamang mula sa Maynila ng salarin na dating caregiver.

Todo-tanggi naman ang nasabing lolo at sinabing hindi nito magagawa ang paratang na panghahalay sa ampon.

Giit ng suspek na not guilty siya sa nasabing paratang. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.