3 AFP Detachment, Pinasabugan ng mga Rebelde

TATLONG DETACHMENT ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Cotabato ang inatake ng New People’s Army (NPA) at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF).

Pinasabugan ng mga rebeldeng grupo ang detachment ng AFP sa Sitio Diniptipan sa Barangay Batulawan, Pikit, Cotabato dakong alas-9:00 Miyerkules ng gabi.

Sinundan ito ng pag-atake sa AFP detachment ng mga hinihinalang New Peoples Army (NPA) sa Barangay Lambagang, Cotabato. Umabot pa umano ng 10 minuto ang palitan ng putok.

Umatake rin ang mga rebelde sa detachment ng militar sa Sitio Tampat, Barangay Ulandang, Midsayap.

Tinatayang 20 kasapi ng BIFF ang lumusob sa nasabing lugar.

Samantala, wala namang nai-report na nasaktan sa nangyaring insidente.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.