2nd Year Anniversary ng SMAC matagumpay na naidaos

SMAC TV Productions

SMAC TV Productions

Naging matagumpay ang pagseselebra ng ikalawang anibersaryo ng SMAC na ginanap sa Rizal Park Open Air Auditorium last July 29.

Ito’y sa pangunguna ng CEO/President ng SMAC na si Sir MJ Gutierrez at ng kanyang masisipag na staff na sina Tita Thess Reyes, Coach Zen Rodriguez, Sandy Matias, Rhekz Jamora, at ng kanilang artist na si Justin Lee.

Isa sa naging highlights ng ikalawang anibersaryo ng SMAC ang production numbers ng mga staff nito, kung saan nagpakita ng kanyang special talents ang bawat isa

At naging espesyal na panauhin sina Moira Lacambra, Jestony Alipda, Yna Magenda, Angelica Feliciano, Mateo San Juan, Russianne Ilao, Joy Apostol, at Julie Mayer.

Ayon nga ka’y Sir MJ, “Nagpapasalamat ako ka’y Lord kasi nakadalawang taon na kami. At kahit nga medyo naging mahirap ang pagsisimula ng SMAC ay nandidito pa rin kami at nalusutan kung ano man ang mumunting problemang dinaanan namin.

“Thankful din ako sa mga taong patuloy na sumusuporta sa amin, sa mga sponsors na nagtitiwala, at sumusuporta sa mga show namin.

“Nagpapasamalat din ako sa masisipag na staff ng SMAC na through thick and tyhin ay nand’yan.

“Sana’y patuloy na tangkilin ng mga manonood ang mga produced show namin like “Biyaheng Negosyo” sa NBN 4 hosted by Justin Lee.

“Again, maraming, maraming salamat sa lahat ng taong nagmamahal sa amin sa SMAC,” pagtatapos ni Sir MJ.

John’s Point
by John Fontanilla

Related Post

loading...

One thought on “2nd Year Anniversary ng SMAC matagumpay na naidaos

  1. O ano Agnes Moreno, Ida Tiongson, Nash Anggahan, Reyn Gonzales, RDee Asadon, Ricardo M. Aguilera Jr., Zenly Diansuy, Allen Castillo at sa lahat nang naniwala at trinato akong baliw…

    Naaalala ninyo ba ako madalas ngayon? Kasi may ngipin na ang mental health awareness ngayon dahil kina Kylie Versoza at Riza Honteveros…
    Ikaw Allen Castillo, hindi mo magamit ang mental health ngayon sa mga advocacies mo, dahil binaliw ninyo ako ni Ricardo…pati na din si Randz Manucom na alam namang two months ago depressed ako sinabihan pa akong absent-minded and can’t follow directions…

    Makikita ninyo next year papatunayan kong babangon ako. Babalik ang katinuhan ng boses ko…at wala na ulit pa makakatapak sa akin kahit kailan kahit pa bastusin mo ako habang nagttrabaho tayo. Makikita ninyo hinahanap ninyo!

    https://www.facebook.com/advocatecausemarketing/videos/485281381861316/?hc_ref=ARSrVlrJv5LqBXBBNj-rjRfbbhw0CceKF8D4dPmCYtNREh0BmDi12j9mXAYKifIIXUw

Leave a Reply

Your email address will not be published.