2nd Day ng Dry Run ng MRT Bus, ‘Di Itinuloy

MATAPOS ANG tila hindi pagkagat ng publiko ang Metro Rail Transit (MRT) bus rapid system, hindi na itinuloy ang sana’y ikalawang araw ng dry run nito.

Base kasi sa unang plano ng proyekto, tatlong araw sana ipatutupad ang nasabing sistema na naglalayong mabawasan ang bilang ng mga pasahero ng MRT.

Una nang sinabi ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na nagkulang sa koordinasyon ang pamunuan ng MRT sa rapid bus system, dahilan para mahuli ang tatlo sa limang bus nito dahil sa pagdaan sa tunnel o underpass.

Samantala, tatakbo sa-na mula alas-7:00 hanggang alas-10:00 ng umaga ang rapid bus system mula North Avenue hanggang Ayala station at Taft Avenue station sa Pasay City, sa halagang kapresyo ng MRT o P15.

Ayon naman sa pamunuan ng MRT, maaari pa rin nila itong ipatupad sa mga susunod na araw kung maisasaayos na ang mga detalye at magkaroon ng malinaw na koordinasyon sa MMDA at Land Transporation Franchising Regulatory Board (LTFRB).

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.