2nd Batch ng Pork Case, Tuloy Ngayon

HINDI NATULOY kahapon ang paghahain ng National Bureau of Investigation (NBI) ng kaso sa pangalawang batch ng mga itinuturong dawit sa multi-milyong pork barrel scam sa halip ay itutuloy ito ngayong araw.

Ilang ulit na ring ipinagpaliban ni Justice Sec. Leila de Lima ang filing sa Office of the Ombudsman.

Naging isyu pa ang umanong paglabas ng impormasyon ng mga pangalan ng mga kakasuhan na congressmen sa nasabing usapin.

Idinahilan ni De Lima na gahol sila sa oras sa pag-review at maaaring isagawa ang paghahain ngayong araw.

Ipinaliwanag din ng kalihim na malinaw ang kanyang direktiba sa whistleblowers, NBI at mga abogado na iwasan ang paglalahad ng mga hilaw na impormasyon ukol sa naturang kaso dahil posibleng makatakas ang mga sinasampahan ng demanda palabas ng bansa.

Subalit sa panibagong pagbubunyag ng abogado ng whistleblowers na si Atty. Levito Baligod, maliban sa 10 kakasuhan sa second batch ng pork barrel fund case, 30 iba pa ang agad ding isusunod.

Samantala, maaalala na nakaladkad na rin ang pangalan ng apat na da-ting kongresista makaraang maiugnay sa mga bogus non-governmental organizations (NGOs) ni Janet Lim-Napoles.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.