2nd Anniversary ng Quirino Hostage-Taking, Ginunita ng VACC

GINUNITA NG mga miyembro ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) ang ikalawang anibersaryo ng hostage-taking incident sa Quirino Grandstand sa Luneta.

Nag-alay ng panalangin ang grupo at nag-alay rin ng bulaklak at walong kandila na sumisimbolo sa walong Hong Kong tourists na nasawi sa nasabing insidente.

Maaalala na isang Chief Senior Inspector Rolando Mendoza na sinibak sa trabaho ang nang-hostage ng 25 pasahero ng tourist bus.

Napatay rin si Mendoza ng mga kinauukulan na rumesponde sa naturang lugar.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.