29 PCOS Machines at CF Cards sa Laguna, ‘Di Nawawala – Comelec

NAGBABADYANG MAGKAROON ng tensyon sa bahagi San Pablo City, Laguna, matapos ang balitang nawawala ang nasa 29 na precinct count optical scan (PCOS) machines at compact flash (CF) cards.

Sinabi ni Atty. Ferdie Topacio, legal counsel ni 3rd district congressional candidate Sol Aragones, abante ng mahigit 11,000 boto ang kanyang kliyente laban sa katunggaling si incumbent Rep. Editha Arago.

Ngunit paglilinaw ni Laguna election officer Atty. Allan Enriquez, hindi nawawala ang mga PCOS machines kundi mayroong 29 na PCOS na corrupted ang mga CF card.

Ipinag-utos na rin ni Anriquez na mag-manual upload na lamang upang ma-transmit ang resulta ng botohan.

Maliban sa San Pablo City, nagkaroon na rin ng kahalintulad na insidente sa bayan ng Calamba, Sta. Rosa at Luisiana.

Sa ngayon nasa 21,746 votes na lamang kailangang bilangin ng Comelec.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.