29 menor na miyembro ng frat, huli

HINULI AT inilipat sa Department of Social Welfare Development Authority (DSWD) ang 29 na mga kabataan na nagpupulong sa bahay ng kanilang founder sa Barangay Milibili Roxas City, Capiz.

Inihayag ni Brgy. Kapitan Sulpicio Taburnal na matagal na nilang mino-monitor ang nasabing grupo ng mga kabataan na Alpha Delta.

Ayon kay Taburnal, matagal nang minamanman ng mga opisyal ng barangay ang lider ng nasabing grupo na si Joel Basas na pinaniniwalaang nagre-recruit ng kabataan na kanyang itinatago at pineperahan.

Nahuli sa akto ang grupo na nagkakasayahan, nag-iinuman at nagkakantahan sa bahay ni Basas.

Samantala, nakatakas naman ang tatlong kasamahan ng mga ito.

Nasa edad 13-anyos pataas ang nahuling mga kabataan na kinabibilangan ng pitong mga babae.

Kaagad dumipensa si Basas at inihayag na si “alyas Kana” na kanyang kaibigan ang nag-text sa mga kabataan na pumunta sa lugar.

(EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.