29 Kaban ng Palay ng Dating Kap, Sinunog

LA UNION – SINUNOG ng hindi pa nakikilalang suspek ang 29 na kaban na bagong aning palay ng dating punong barangay sa Barangay Arosip, Bacnotan, La Union.

Batay sa report na nakalap ng Bacnotan Municipal Police Station, nakilala ang may-ari ng mga palay na si Rumulo Delmendo, 51, residente ng nabanggit na lugar.

Nakasilid umano ang mga palay ng biktima na nagkakahalaga ng P40,000 sa isang bahay-kubo nang ito ay sinunog ng hindi pa nakikilalang salarin.

Sa ngayon ay napa-patuloy sa kanilang pagsisiyasat ang pulisya kasama ang mga bumbero sa nangyaring pagkasunog ng mga palay.

Inaalam pa rin ang pagkakakilanlan ng suspek at ang motibo sa ginawang pagsunog.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.