286 Biktima ng Bagyong Pablo, ‘Di Pa Rin Makilala

NANANAWAGAN SI Dr. Wilfredo Tierra, head ng NBI Disaster Victims Identification sa kinauukulan na tulungan sila sa isinasagawang pagkilala sa mga namatay na biktima ng Bagyong Pablo sa Compostela Valley.

Sinabi ni Tierra na mayroon pang 286 na bangkay na nakalagak sa make-shift mortuary sa sementeryo ng New Bataan, Compostela Valley na kanilang isinasailalim sa forensic examination.

Ang problema aniya ng kanyang team ay wala silang katulong sa pagbuhat ng mga bangkay at hindi ito kayang tugunan ng local government units (LGU) dahil posibleng abala din ang mga ito sa rehabilitasyon.

Ito aniya ang dahilan kung bakit naaantala ang proseso ng pagkilala sa mga bangkay.

Tila nakalimutan na ang New Bataan, Compostela Valley, dagdag pa ni Tierra.

Samantala, nag-rally na rin umano ang mga residente ng Comval dahil sa hindi patas na pamamahagi ng relief goods at kinailangan pang pumunta ni Social Welfare and Development Secretary Dinky Soliman para payapain ang sitwasyon.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.