28 Katao, Sugatan sa Banggaan ng 2 Bus sa EDSA

UMABOT NA sa 28 katao ang nasugatan sa salpukan ng dalawang bus sa kanto ng EDSA at East Avenue, Quezon City kahapon.

Sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) traffic constable Anthony Maquinto na nagbababa lang ng pasahero ang CEM Transport bus sa gilid ng East Avenue nang salpukin ng Nova bus ang likurang bahagi nito.

Sa lakas ng banggaan, napa-abante pa ang CEM Transport bus habang gumewang-gewang hanggang sumalpok sa center island ang Nova bus.

Agad namang naisugod sa East Avenue Medical Center (EAMC) ang 25 sugatang pasahero ng Nova bus at naipit na driver nitong si Danilo Ongoñon Jr.

Dinala rin sa pagamutan ang dalawang sugatan mula sa CEM bus, habang idiniretso sa Camp Karingal ang driver nitong si Jeffrey Mendoza para sa pagsisiyasat.

Ayon naman kay Dr. Emmnuel Bueno ng EAMC, stable na ang kondisyon ng lahat ng biktima.

Samantala, tumanggi namang magbigay ng pahayag ang driver ng Nova bus pero ayon sa ilang pasahero, mabilis ang pagmamaneho nito at sumigaw pa itong nawalan ng preno nang maganap ang insidente.

Ayon sa mga kinauukulan, nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in damage to property with multiple physical injuries ang driver ng Nova bus, habang pinag-aaralan kung may pananagutan din ang driver ng CEM Transport.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.