28 Katao, Kalaboso sa Illegal Fishing

HINDI NA nagawang makatakas ng 28 kalalakihan makaraang mahuli sa akto ng pinagsanib na puwersa ng 56th Infantry Batallion Special Forces ng Philippine Army at Bantay-Dagat, habang gumagamit ng sudsod na panghuli ng isda, sa karagatang sakop ng Malolos City, Bulacan, partikular sa isla ng Babatnin at Pamarawan, kamakalawa ng madaling-araw.

Sa ulat na ipinadala ni P/Supt. Dave Poklay kay PNP Provincial Director P/S Supt. Fernando H. Mendez, Jr., kinilala ang mga nadakip mula sa dalawang bangkang de motor na sina Narciso Jagarap, 40; Oliver Nebril, 32; Toto Caday, 32; Rodolfo Magalona, 24; Nestor Mongaya, Jr., 21; Jayson Santiago, 20; at Marlito Vibero, 22, kapwa lulan ng F/B Nasa ng Malabon at Navotas City.

Habang arestado rin ang mga tripulante ng F/B Double J na sina Jonito Arahena, 42; Roberto Cordera, 38; Real Ramoso, 28; Benjamin Labota, 24; Edmond Valiente, 22; Wendel Valiente, 30; Antonio Doguiles, 20; Panco Kabago, 30; Jupiter Tantiado, 19; Bonifacio Bofranales, 39; at Margarito Lozada, Jr., 20, kapwa residente sa siyudad ng Navotas.

Base sa inisyal na im-bestigasyon ng mga awtoridad, dakong alas-5 ng umaga nang madakip ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 8550 o Philippine Fishing Code of 1998.

Nakumpiska mula sa kanila ang iligal na gamit sa panghuhuli ng isda tulad ng sudsod at malala-king fishnet, coolers,at iba’t ibang uri ng isda.

Samantala, detenido ngayon ang mga suspek sa Malolos City Jail.

(TONY DELA PEÑA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.