271 pang OFWs sa Syria, Inaayos na ang Pagpapauwi

INAAYOS NA ng Department of Foreign Affairs ang pagpapauwi sa 271 pang overseas Filipino workers (OFWs) sa Syria dahil sa patuloy na kaguluhan sa doon.

Sa rekord ng DFA, umaabot na sa 2,984 ang bilang ng mga OFW na napauwi mula sa Syria. Pinakahuling batch dito ang 16 na dumating noong Disyembre 6.

Isinasaayos naman ng tanggapan ng Philippine Honorary Consul sa Beirut, Lebanon ang repatriation kung saan sinasagot na ang residency at exit visa fees maging ang pamasahe sa eroplano ng mga OFW.

Muling nanawagan ang DFA sa mga kaanak ng mga OFW sa Syria na makipag-ugnayan sa kanila hinggil sa kinaroonan ng kanilang mga kapamilya.

Inaabisuhan ang mga ito na tumawag sa Office of the Undersecretary for Migrant Workers Affairs sa tel. no. 834-4996 o sa DFA action center, 834-3333.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.