27 paslit, nalason sa tuba-tuba sa Pampanga

PAMPANGA – INIMBITAHAN NG mga kagawad ng Pampanga Philippine National Police (PNP) ang isang lalaki na itinurong nagpakain ng bunga ng tuba-tuba (Jathropa curcus) sa 27 mga paslit sa Brgy. Pulongbulo sa Angeles City.

Sa reklamo, nanakit ang tiyan, nahilo, nagsuka at walang tigil na pagdumi ang dinanas ng mga paslit makaraang pakainin sila ng pinatuyong bunga ng tuba-tuba o galumbang sa salitang Pampango, ni Edwin Balbuena, residente sa nasabing lugar.

Ayon sa isa sa biktima na si Dexter Garcia, naglalaro sila nang madaanan sila ni Balbuena saka hinimok na kumain ng nasabing bunga.

Ilang saglit lang ay nakaramdam ng hindi tama ang mga biktima kaya isinugod ang mga ito sa ospital.

Isinusulat ang balitang ito, alas-7:00 ng umaga kahapon, nang pauwiin ang 23 sa mga biktima habang inoobserbahan pa ang apat.

Sa pag-aaral, ang tuba-tuba na tinatawag ding Tubang Bakod sa Tagalog ay mayaman sa ethanol na inihahalo sa diesel habang ang dahon nito ay maaaring panlunas sa sugat.

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.