26-M Pinoy, Walang Kubeta – UNICEF

 

WALA PA ring access sa malinis na palikuran ang mahigit sa 26 milyong Pinoy. Naghahanap pa rin daw ng ibang paraan upang maglabas ng dumi.

Sa talumpati ni Dr. Mike Gnilo ng Unicef Philippines, noong World Toilet Day, nanatiling 1.1 bilyon pa rin sa pangkalahatan ang hindi maka-access sa malinis na paraan ng pagdumi sa kabila ng paraang ginagawa ng United Nation (UN).

Ayon pa kay Dr. Gnilo, 7.4 milyon mula sa nasabing bilang ang ginagawang banyo ang damuhan, plastic bag at railways kung kaya’t nagi-ging bukas ang mga ito sa verbal at sexual abuse.

Dapat umanong kumilos ang pamahalaan upang mapaunlad ang sanitation sa bansa at maiwasan ang pagkakasakit ng mga tao.

Mga mahihirap na lugar sa Masbate, Northern Samar at mga lalawigan sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) ang karamihan sa mga walang palikuran sa bansa.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.