257 Bagong Kadete ng PMA, Handa na

HANDA NA sa kanilang pag-aaral ang 257 bagong kadente ng Philippine Military Academy (PMA) sa Fort del Pilar, Baguio City.

Ayon kay PMA Spokesperson Capt. Lynette Flores, natapos na ang dalawang buwang isolated training ng mga kadete at pormal nang magsisimula sa kanilang academic classes.

Ang bagong bubuo ng  PMA Class of 2017 na tatawaging Salaknib na ang ibig sabihin ay “Kalasag”, na isinama na sa kanilang mga upper class na bubuo sa cadet corps Armed Forces of the Philippines .

Sinabi ni Flores na isinailalim sa walong linggong pagsasanay ang mga kadete upang ipakilala sa kanila ang buhay-militar at mga pagsubok na pagdadaanan sa loob ng akademya.

Dito rin aniya sila isinailalim sa mahigpit na ensayo upang maging mas matibay ang kanilang stamina at physical development.

Nagsilbi namang panauhing pandangal si AFP Vice Chief of Staff lt. Gen. Alan Luga upang salubungin ang mga bagong kadete.

Sa kanyang mensahe, sinabi nito sa mga plebo na kailangan nila ng determinasyon na ipagpatuloy ang pagsasanay sa loob ng PMA at maging mas produktibong mga opisyal sa hinaharap.

(E. CALMA)

loading...

One thought on “257 Bagong Kadete ng PMA, Handa na

  1. Pingback: 257 Bagong Kadete ng PMA, Handa na - ShowbizNews.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published.