256 kolehiyo at unibersidad magtataas ng matrikula – CHED

 

PANIBAGONG PASANIN na naman ng mga magulang ang nalalapit na pagbubukas ng klase dahil aabot sa 256 na kolehiyo at unibersidad sa boung bansa ang magtataas ng matrikula.

Base sa report, nasa 220 mga paaralan ang naghain ng petisyon sa Commission on Higher Education (CHEd) para magtaas ng matrikula.

Umaabot sa 33 mula sa 67 kolehiyo at unibersidad sa Metro Manila ang naghain ng petisyon sa CHEd na nakatakdang magtaas ng tuition fees sa school year 2012-2013.

Una nang inihayag ng CHEd na mahigit sa 300 mga paaralan ang magtataas ng matrikula sa darating na pasukan sa Hunyo.                                  (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.