254 Colorum na Sasakyan, Nahuli ng SPD

 

SA PAGSASANIB-PUWERSA ng Southern Police District (SPD), Metro Manila Development Authority (MMDA) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), umabot na sa 254 ang bilang ng mga nahuling colorum.

Noong isang gabi rin, nakahuli ng isang panibagong colorum na sasakyan sa may Pasay City habang dalawang colorum na sasakyan naman ang nahuli sa Muntilupa City.

Matatandaang kinasa ang anti-colorum campaign ng SPD, matapos mahuli ang  tinaguriang “AUV express tirador gang” sa may Parañaque. Ginagamit ng mga ito ang sasakyan upang magpanggap na namamasada ngunit holdap ang tunay nitong motibo sa mga pasahero.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.