25 Tripulanteng Pinoy, nakaligtas sa sinunog na barko

NASA MAAYOS NANG kalagayan ang lahat ng crew ng barkong sinasakyan ng may 25 tripulanteng Pinoy matapos itong sunugin ng mga pirata sa karagatang bahagi ng Kenya.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), ligtas na ang mga Pinoy at ngayon ay nasa Mombasa, Kenya na ang mga ito.

Sa report na nakarating sa DFA, sinalakay ng mga armadong pirata noong nakaraang linggo ang MV Pacific Express sakay ang mga Pinoy at isa pang dayuhang tripulante.

Buti na lamang at mabilis na nakapagpadala ng distress call ang kapitan ng barko upang makaresponde ang Navy vessel at makapagsagawa ng rescue operations.

Kaagad umanong tumakas ang mga armadong pirata nang makitang paparating ang Navy ship.

Inatasan din ng DFA Office of the Undersecretary for Migrant Workers’ Affairs ang Embahada ng Pilipinas sa Nairobi na tulungan ang mga nabanggit na Pinoy dahil kasamang nasunog ang kanilang pasaporte at seamen’s book. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.