25 Sundalong Kasama sa Atimonan Checkpoint, Posibleng Ma-Court Martial

NAMEMELIGRONG SUMALANG sa court martial ang mga sundalong kasama sa nangyaring pamamaril sa Atimonan, Quezon.

Ayon kay Colonel Generoso Bolina, tagapagsalita ng Southern Luzon Command (SOLCOM) ng Armed Forces of the Philippines (AFP), na hindi na pinapayagang lumabas sa kampo sa Candelaria, Quezon ang 25 sundalo noon pang isang linggo upang madali silang maipatawag sakaling kailanganin sa pagsisiyasat.

Sumailalim na rin sa ballistic examination ang mga baril na ginamit ng mga sundalo.

Samantala, inaantabayanan na ng SOLCOM ang resulta ng pagsisiyasat ng National Bureau of Investigation (NBI) hinggil sa insidente at sakaling may pagkakamali ang mga sundalo, posibleng magpatawag ng general court martial ang AFP.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.