25 Sugatan sa Tumagilid na Jeep

SUGATAN ANG lahat ng sakay ng isang pampasaherong jeep matapos tumagilid sa Ortigas Avenue malapit sa Connecticut St., Barangay Wack-wack, Mandaluyong City.

Sinabi ni Metro Manila Development Authority (MMDA) traffic enforcer Uldarico Testa Jr. na bukod sa drayber ng jeep na biyaheng Rosario-San Juan na si Orlando Ortiz, sugatan din ang 24 nitong pasahero.

Malubha aniyang nasugatan ang pasaherong nakaupo sa unahan ng jeep dahil sa pagkakaipit matapos bumangga ang sasakyan sa bakal na istraktura ng MMDA bago sumalpok sa puno ng Narra sa center island.

Ayon sa salaysay ng isang MMDA streetsweeper, mabilis at pagewang-gewang ang takbo ng jeep at muntik na siyang mahagip.

Samantala, isinugod sa San Juan Medical Hospital at Cardinal Santos Medical Center ang mga sugatan.

Sa ngayon, iniim-bestigahan pa rin ng Mandaluyong City Traffic Police ang insidente.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.