25 PULIS, SABAY-SABAY IKINASAL

UMAABOT SA 25 pulis ang sabay-sabay na ikinasal sa Kampo Crame sa Araw ng mga Puso noong Lunes, February 14.

Ang mass wedding sa St. Joseph Chapel sa loob ng kampo ay tradisyon na sa Philippine National Police (PNP), tuwing Pebrero 14.

Awtomatikong tumatayong ninong ng mga ikinasal ang hepe ng pambansang pulisya na ngayong taon ay si Director General Raul Bacalzo.

Bukod sa libreng kasal, wala na ring gagastusin ang mga bagong kasal sa reception dahil sagot ito ng liderato ng pulisya at eks-klusibo para sa kanilang mga tauhan.

Laking pasasalamat naman ng mga pulis sa libreng kasal.

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.