25 Mangingisda na nakulong sa Indonesia, balik ‘Pinas

NAKABALIK NA sa bansa ang umaabot sa 25 mangingisda matapos arestuhin sa bansang Indonesia dahil sa iligal na pangingisda.

Dalawa sa mga ito ay mga menor de edad at karamihan ay taga-lalawigan ng Sarangani.

Base sa impormasyon, anim na buwan ding nakulong ang mga ito kung saan nakaranas sila ng pananakit mula sa kamay ng mga Indonesian police.

Ayon sa salaysay nina Onel Arnuco at Jason Pagalan, kapwa taga-Malapatan, Sarangani, habang nakakulong ay nakatikim sila ng bugbog at sipa at pina-push-up naman ang iba nilang mga kasamahan.

Sa kabila nito, plano pa rin ng mga ito na bumalik sa nasabing bansa para mangisda.

Samantala, nabatid na marami pa ring mga Pinoy ang nakakulong sa Indonesia dahil sa illegal fishing.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.