25 katao, patay sanhi ng eleksiyon

PATAY ANG 25 katao dahil sa isang marahas na kaganapang may kinalaman sa halalang pambarangay kahapon, ayon sa pulisya.

Sinabi ng pulisya na kailangan ng mahigpit na seguridad sa gaganaping eleksiyon ngayong araw ng Lunes para sa pagboto ng mga Pinoy sa mga karapat-dapat na punong-barangay at barangay kagawad sa mahigit 42,000 na barangay, pahayag ni Spokesman Senior Superintendent Agrimero Cruz.

Batay sa ulat ng pulisya, 25 katao ang tinatayang nasawi at 10 ang lubhang nasugatan dahil sa election-related violence mula sa ginagawang pangangampanya simula pa noong Setyembre 25, tugon ni Cruz sa mga mamamahayag.

“We have been on full alert since Saturday night. We will be setting up security assistance desks in all voting centres to ensure honest, orderly and peaceful elections,” ani Cruz

Laganap na noon pa ang dahas sa lokal na halalan sa bansa kung saan sangkot ang ilang pulitiko at iba pang election officials.

25 na katao rin ang nasawi at mahigit 40 ang nasugatan sa isang barangay noong nakaraang 2007 elections, ayon pa rin record ng pulisya.

Matatandaang 28 naman ang nasawi ngayong taon sa isang marahas na pangyayari na may kinalaman sa nakaraang eleksiyon noong Mayo.

Hindi pa kasama ang 57 katao na nasawi sa malagim na Maguindanao Massacre sa kamay ng makapangyarihang angkan sa nabanggit na lalawigan noong Nobyembre nang nakaraang taon kung saan ito ang pinakamadugong kaso ng pagpatay na may kinalaman sa halalan.

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.