24,300 Wanted Persons, Arestado Anti-crime gains ng PNP tumaas noong 2011

AABOT SA 24,300 wanted persons ang naaresto ng Philippine National Police (PNP) sa isinagawa nilang manhunt operation noong isang taon.

Ayon kay PNP Spokesman, Chief Supt. Agrimero Cruz Jr, kabilang sa inaresto ang 102 suspects na naitala bilang Top Most Wanted at may mga pabuya sa kanilang ikadarakip, 297 wanted persons ay kusang sumuko habang 9 naman ang namatay nang makipaglaban habang dinarakip.

Sinabi ni PNP Chief, Dir. Gen. Nicanor Bartolome na magandang senyales ang ulat dahil natutupad ang kanyang pangako na kanyang ipadarakip ang mga wanted person upang papanagutin sa mga kasalanan ng mga ito.

Sa datos ng PNP, nasa average 40,000 warrant of arrest ang kanilang natatanggap sa iba’t ibang korte kada taon kaya naman puspusan ang kanilang gagawin upang matapos ang backlog.

Nagbabala rin ang PNP sa mga nagtatagong kriminal na kusa na lamang sumuko dahil puspusan na ang kanilang ginagawang pangha-hunting kaagapay ang nationwide electronic network.

Noong 2011, 967 suspects mula sa 203 organized crime groups ang nadakip sa pamamagitan naman ng Police Regional Offices at National Operational Support Units.

Bukod sa pagdakip, isinuko rin ng mga ito ang kanilang iba’t ibang armas. (EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.