24 Sugatan sa Salpukan ng Jeep at Truck

HINDI NAGING hadlang sa mga estudyante mula sa malayong bayan ng Ragay sa lalawigan ng Camarines Sur ang kinasangkutang aksidente para hindi matuloy ang kanilang performance sa Regional BSP/GSP and Majorettes and Drum Lyre Competition sa Naga City.

Parang hindi man lang nakaranas ng minor injuries ang mga elementary student mula sa Ragay Central School sa bayan ng Ragay nang magpakitang gilas sa grand stand sa Plaza Quezon.

Napag-alaman na habang papunta sa nasabing lungsod ang mga estudyante, sumalpok ang kanilang sinasakyang dyip sa Isuzu truck sa bayan ng Pamplona.

Sinabi ni PO3 Edgar Pamplona na tatlong pampasaherong dyip ang service ng mga estudyante ngunit ang isa sa mga ito ay minamaneho ni Romeo Lencallo.

Binabaybay ng mga sasakyan ang Maharlika Highway sa Barangay Tambo nang mag-overtake ang unang jeep sa truck na sinundan ni Lencallo.

Ngunit inakala ng driver ng truck na si Edgar Marbel Prado na malayo pa ang dyip na siyang saktong sumalpok sa truck nang mag-left turn ito.

Nasa kabuuang 24 ang sakay ng dyip kung saan lulan ang 22 estudyante kasama ang kanilang make-up artist at trainor.

Samantala, agad namang naisugod sa ospital ang mga biktima na nakalabas din naman.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.