2,357, Nasawi; P4-B, Pinsala ni Yolanda

UMAKYAT NA sa 2,357 ang bilang ng mga kumpirmadong nasawi sa pananalasa ng super typhoon Yolanda sa Kabisayaan.

Sinabi ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na maliban sa nasabing bilang, nasa 77 pa ang nawawala habang nasa 3,853 ang nasugatan at maari pang madagdagan.

Karamihan sa mga namatay ay mula sa lalawigan ng Leyte lalo na sa Tacloban City.

Nasa 1.7 milyon na pamilya o katumbas ng 8 milyon katao ang naapektuhan ng kalamidad mula sa Regions 4-A, 4-B, 5, 6, 7, 8, 10, 11 at CARAGA.

Napag-alaman din na umabot sa 236,989 na bahay ang nasira ng nasabing kalamidad.

Samantala nasa P4 bilyon na ang inisyal na pinsala ng bagyong Yolanda sa imprastraktura at agrikultura maliban pa sa mga ari-arian.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.