23,247 COLLEGE GRADUATING STUD NAKINABANG SA LEGS NG CALOOCAN

UMABOT SA 23,247 college graduating students ang nakinabang sa Labor Education for Graduating Students (LEGS) na layu-ning maturuan ang mga magtatapos sa kolehiyo kung paano makakuha ng maayos na mapapasukang trabaho.

Ayon kay Caloocan City Mayor Enrico “Recom” Echiverri, ang proyektong ito ng lokal na pamahalaan ay isang paraan upang ma-tulungan ang mga magtatapos sa kolehiyo kung paano matatanggap sa kanilang aaplayang trabaho.

Katuwang din ni Echiverri sa proyektong ito si Liga ng mga Barangay sa Pilipinas President, Councilor Ricojudge “RJ” Echiverri na siyang nakikipag-ugnayan sa iba’t-ibang kolehiyo na matatagpuan sa lungsod.

Sa isinumiting record ng Labor and Industrial Relations Office (LIRO) sa tanggapan ni Mayor Echiverri, ang naturang bilang ng mga graduating college students ay nagmula noong 2008 hanggang sa kasalukuyan.

Base pa sa record, noong 2008 ay umabot sa 1,209 graduating college students ang nakinabang sa LEGS; 14,300 naman noong 2009; 1,889 noong 2010; 2,341 noong 2011 at 3,508 sa kasalukuyang taon.

Kabilang sa itinuturo sa LEGS ay ang mga paraan kung paano haharap sa interview, tamang pagsasalita, pananamit, pagsagot at iba pa na siyang makatutulong sa mga college graduating students na matanggap sa papasukang trabaho.

Bukod sa mga ito, nakapagbigay na rin ang lokal na pamahalaan ng Career Coaching Seminar (CCS) sa 42,143 high school students na layunin namang mabigyan ng kaalaman ang mga mag-aaral sa pagkuha ng tamang kurso sa kolehiyo.

Isa rin sa naging proyekto ni Mayor Echiverri na pagtulong sa mga estudiyante sa buong lungsod ay ang pagbibigay ng Special Program for Employment of Students (SPES) kung saan ay 6,458 ang nabiyayaan nito simula noong 2005.

Sinabi pa ni Mayor Recom na magpapatuloy ang pagbibigay ng kanyang administrasyon ng magagandang proyekto na ang makikinabang ay ang mga estudiyante dahil naniniwala ito na ang kabataan ang magpapatuloy ng kanyang sinimulang pagbabago sa Lungsod ng Caloocan.

 

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.