23 Tripulante ng Cargo Vessel na Sumadsad sa Basilan, ligtas na

LIGTAS ANG lahat ng 23 tripulante ng isang cargo vessel na sumadsad sa Dasalan Group of Island sa Basilan.

Base sa report na  nakarating sa Philippine Coast Guard (PCG) Action Center, nakatanggap sila ng distress signal mula kay Capt. Seme Fuentes ng MV Ladylyn na nagkaaberya ang makina ng kanilang barko at tinatangay sila ng malala-king alon.

Dahil sa dead on water o walang kontrol ang kapitan, sumadsad ito sa isa sa mga isla sa Basilan.

Samantala, agad naman na rumesponde ang dawalang rescue vessel ng PCG mula sa Zamboanga City at maagap na nailigtas ang mga tripulante.

Sa ngayon, inaalam na rin ng PCG kung papano maiaalis sa pagkakasad-sad ang cargo vessel na naglalaman ng tone-toneldang semento.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.