23 patay sa hagupit ni Gener

UMAKYAT NA sa 23 ang nasawi sa hagupit ng Bagyong Gener sa bansa, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Ayon kay NDRRMC Exe-

cutive Director Benito Ramos na may pitong karagdagang biktima ang naitala ng ahensIya mula kamakalawa.

“Nadagdagan na, 23 na ngayon, ito ay nanggaling sa Region 7. Dalawa (2) Roon sa Bayawan City, Negros Oriental; dalawa (2) rin dito sa Sagay City, Negros Occidental; isa (1) rito sa Kinoguitan, Misamis Oriental; isa (1) roon sa Obando, Bulacan; at isa (1) sa Mariveles, Bataan,” ani Ramos.

Samantala, muling pinaalalahanan ng NDRRMC ang mga residenteng apektado ng matinding baha na maging maingat at alerto sa posibilidad ng pagtaas nito.

Patuloy pa ring nakiki-pag-ugnayan ang iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan upang matulungan ang mga apektadong pamilya sa mga evacuation center, maging ang paglilinis ng mga basu-rang iniwan ng baha.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.