23 Menor, Nakatakas sa Holding Center

NAGAWANG MAKATAKAS ng 23 menor-de-edad sa holding center ng Caloocan City Social Welfare and Development sa pamamagitan ng paglagare sa rehas ng banyo sa nasabing lungsod kamakalawa ng gabi.

Sa ulat, alas-11:30 ng gabi nang makatakas ang mga menor-de-edad na may iba’t ibang kaso sa Yakap Bata sa Plaza Rizal ng lungsod.

Nilagare ng mga nakatakas ang rehas ng banyo ng Yakap Bata at doon nagsilabas hanggang sa makatakas.

Inaalam na kung may pananagutan ang mga nagbabantay sa Yakap Bata at hinahanap na ng mga pulis kasama ng mga barangay ang mga nakatakas.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.